Wednesday, October 17, 2007

"mga natutunan ko sa subj na Computer"

marami akong natutunan sa subj na computer.
mas nadagdagan ang aking kaalaman sa pag gamit
ng computer
itinuro ng aming prof kung paano
gumawa ng blog,
ito ay isang online diary, or journal.
kung saan mailalabas mo ang iyong saloobin,
ang iyong nais sabihin.
nag enjoy talaga ako sa subject na ito,
ang computer..

"top 5 bloggers"

1. ahm.... wla kong maicp e... (joan pinon)!!

2. joanna rose yadao

3. arnie trumata

4. jayson bulaclac

5. Joan Almazan

"wilkipilipinas"

ang wikipilipinas ay isang online website
ang wikipilipinas ay para ding isang encyclopedia,
na kinapapalooban ng mga imporatnteng impormasyon
tungkol sa pilipinas.marami tayong malalaman dito
at matutunan dito.

" sino ba ako? "

ako si Jobi Hipolito.
bunso sa sampung magkakapatid.
lahat sila'y nakapagtapos na,
ako na lamang ang nag-aaral.
sampung taong gulang ako,
mula ng maghiwalay ang aking mga
magulang.
at
labing dalawang taon ako,
ng mamatay at maulila sa
ama.
iyon ang pinakamalungkot na nangyari sa buhay ko.
nakapag-aral at nakapagtapos
ako ng sekondarya sa
sta. elena high school.
at
nakatira ngayon,
sa siyudad ng marikina.
nag-aaral sa
pamantasan ng lungsod ng marikina.
kinuha kong unang
kurso ay
"nursing".
at ang ikalawang kurso
nama'y
business administration.
na kasalukuyan kong kurso.
kumuha ako ng business ad,
dahil, nais ko balang araw
na makapagtayo ng isang negosyo at
mamahala ngsariling kompanya.

"pangako"

isang salita na walang kasiguraduhan kung matutupad,
na mahirap tuparin!
iyon ang nakasira sa magandang samahan namin,
ng pinakamamahal kong kaibigan.
isang pangako ang sa kanya'y
binitiwan,
na siya'y di iiwan.
aalagaan at babantayan.
ngunit sa hindi sinasadyang pagkakataon,
ay hindi ako nakatupad sa pangakong iyon.
at doon na nagsimula ang tampuhan, at
alitan.
hindi ko alam ang gagawin ko,
para manumbalik ang aming samahan,
hindi ko pa nga talaga siya lubos na nakikilala,
dahil hindi ko inaasahan na sa isang pangako
lamang ang sisira sa magandang samahan namin.
alam kong hindi sapat ang humingi ng tawad,
sa kanya,
pero, kahit galit man siya, at awayin niya ko,
hoindi pa rin magbabago ang lahat ,
ako at ako pa rin ang nakilala niya.
kahit nabawasan man ang pagtingin at
pagtitiwala niya'y narito pa rin ako
mananatiling kaibigan niya,
at gagawin ko ang lahat
para muli mo akong tanggapin at
ibalik sa puso mo!
pero kung sakaling ayaw na ng puso mo,
kakayanin kong tanggapin,
kahit mahirap at
kahit na masakit gagwin ko para sa iyo.

" sorry"

Alam kong hindi sapat ang sabihin kong "sorry" para mapatawad mo ako. pakiramdam ko ngayon, parang ang laking nagawa kong kasalanan. parang mas lalong bumigat ang dinadala ko sa aking dibdib! mabigat! parang wala na kong lakas, para buhatin! kasi, wla na yung taong nagbibigay sa akin ng lakas, at nagbibigay sa akin ng saya. makita ko lang siya ng masaya, ay masaya na rin ako. oag kasama ko siya, hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko.

kaya't kung wala siya,nangungulila ako, at pakiramdam ko'y wala ng halaga ang buhay ko.
kung alam niya lang sana kung gaano siya kaespesyal at kung gaano siya kahalaga sa akin.
hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko sa kanya.siguro dahil hindi ko naramdaman ang pagmamahal na ginawa niya sa aking mga kapatid.
kaya't napakasuwerte ko sa pagkakaroon ng kaibigang katulad niya.
pero ngayon, ang magandang samahan nami'y nasira ng dahil sa isang pangako.
sa isang pangakong hindi ko natupad..

Monday, October 15, 2007

college life

napansin kong malaki ang pinagkaiba nang buhay kolehiyo, kumpara noong high school.
para sa akin mas naging masaya ako ngayong ako'y kolehiyo. dahil, hindi na tulad ng high school na,kontrolado ang lahat, hindi tulad ngayon na may kalayaan kang gawin ang lahat ng ano mang gustuhin mo. at mas marami akong naging kaibigan, at kakilala. kahit na nasa kolehiyo na ako'y parang high school pa din! ganoon ba talaga ang kolehiyo? mahirap, pero, kayang kaya naman, kailangan lang ng sipag at tiyaga. panibagong lebel na naman, panibagong paghihirap at pagsubok.