Sunday, September 23, 2007

"tunay na kaibigan"

nakilala ko sila at naging mabubuting kaibigan
inakalang mga tunay na kaibigan
naging mabuti ako sa kanila,
ginawa ang bagay na nais nila.
higit pa sa mga magkakapatid ang turingan
namin sa isa't isa,
ngunit sa kagipitan nasubok ang aming
pagsasamahan.
ano mang tulongang hingin nila sa akin,
ay andyan ako laging handang tumulong
sa kahit na anong paraan
maging abala man o hindi,
ako'y karamay,
katulong sa lahat ng bagay
ngunit bakit gaoon sila?
ngayong ako naman
ang may problema,
nasaan na kayo aking mga kaibigan?
kailangan ko kayo ngayon, ako'y nasa kagipitan
at kailangan ng makakaramay sa aking problema
isa lang aking nalapitan at iyon si....
God!
na siyang tumulong sa akin.
hindi ako tinalikuran,
hindi gaya ng aking mga naging kaibigan..
na sa oras ng kagipitan ay hindi maasahan,
kaya ngayo'y alam ko na
at dapat na mag ingat ako sa pagpili ng mgiging
kaibigan..

"sama ng loob"

masaya akong namumuhay kasama ang aking pamilya,
ang aking ina, ama at mga kapatid.
masaya ang lahat,
dahil kompleto ang pamilya.
ngunit,ang aking masayang pamilya
ay nabalutan nang lungkot at pagdaramdam
nang mamatay ang aking ama,dahl sa kanyang sakit.
iyon ang pinakamasakit na nangyari sa buhay ko.
nang mawala ang pinakamamahal kong ama.
malungkot ang lahat,
puno ng mga luha at paghihinagpis ang nararamdaman.
nang mga panahon na iyon,
nandoon lang ako sa tabi ni ama,
kinakausap ng mata sa mata.
sinabi ko ang lahat ng nararamdaman,
ang lahat-lahat ng nasa loob ng puso ko.
sa dami ng nangyari,hindi ko na alam ang gagawin ko.
matapos ang pagkalibing kay ama,
ay nag umpisa na ang bangayan sa pera
ang paghahati-hati ng yaman,
at ng mga ari-arian.
iyon ang ikinasama ng loob ko,
ang naging mas importante pa
ang pera,
ang yaman,
at ang ari-arian
kaysa kay ama.
naghalo-halo na ang galit,
poot, at hinanakit sa aking dibdib
nang mag away-away sila
dahil lamang sa kayamanan
kaya kong mabuhay nang wala ang kayamanan
sa aking pag-alis,dala-dala ko
ang sama ng loob
sa aking mga kapatid.
at sa aking pagbabalik,
maipagmamalaki ko na ang aking sarili
sa kanila,
na hindi ang kayamanan ang
tumupad sa aking mga pangarap
kundi ang inspirasyon,
at ang pagpupursigeng makapagtapos
hindi ko pa nakakalimutan ang
sama ng loob ko sa kanila
ngunit,nang makilala ko si "GOD"
nag-iba ang pananaw ko sa buhay.
kinalimutan ko ang sama ng loob at
nagpatawad;
muling ibinalik ang dating relayon sa kanila.

"Nag-iisa"

Ako ay isang taong mapagtago at tahimik

ako'y nasa mundong puno ng katahimikan

nabubuhay sa mag-isang imahinasyon,

na nababalutan ng misteryo.

mag-isang hinaharap ang problema,

mag-isang kinikimkim ang galit,

ang sakit,

ang hirap,

at ang sama ng loob.

ang buhay mag-isa ay mahirap

pero yun ang tunay na katauhan ko.

walang kaibigan,

walang karamay,kasama,

walang kakwentuhan,kakulitan.

Bakit? bakit ako nag-iisa?

marahil...walang nagmamahal sa akin,

walang gustong makipagkabigan.

ngunit,nag-iisa mang nabubuhay

masaya pa rin..

walang iniisip na kaaway,

at mga problema.

mahirap man ang mabuhay ng mag-isa,

kinay ko ang lahat,para sa aking sarili.